Sa
di sinasadyang pagkakataon ay napanood ko sa Cinema One ang MAGKAKAPATID Cinemalaya
finalist for New Breed Category.
Ito
ang halimbawa ng isang pelikulang may nakababasag na katahimikan lalo na sa
unang 15-minuto nito. May takot na bumalot sa aking katawan at na-hook sa
kakaibang kwento nito.
Isang
family drama na naglalahad ng tatlong buhay ng magkakapatid (Julio Diaz, Ces
Quesada at Raquel Villavicencio) na may sari-sarili ng pamilya. Nahabi ang kwento sa mga anak nito kung saan
ang away-magkapatid (Nico Antonio atBanaue Miclat) ay nauwi sa patayan, dalagang
hindi matanggap ng ama ang pag-aasawa (Mercedes Cabral) at ang pigil na
pagdadalamhati ng isang anak (Kathlyn Castillo) sa pagkamatay ng ama.
Pinagbuklod ng tadhana, ang sunod-sunod
na trahedya ay mahirap pigilan ng sinuman.
Nanalo
bilang Audience Choice Award sa 2010 Cinemalaya, sa panulat at direksyon ni Kim
Homer Cabaguio Garcia – ito ang pelikulang may kakaibang sangkap sa
pagkakagawa. Ibang klase ang dulot nitong takot sa manonood at sobrang epektibo
ang pagganap ng mga pangunahing tauhan lalo na ang nagbali-baliwang Nico
Antonio – bakas sa mukha nito ang naturalisang pag-arte, ang tahimik at masakiting ina na si Ces
Quesada – na ramdam mo ang pighati ng kalooban, at ang galit ni Julio Diaz bilang tiyuhin at
kapatid. Tagos sa puso ang inilahad at ipinaramdam ng pelikulang ito na hindi
mo basta-basta maiwawaksi sa iyong isipan pagkatapos mong mapanood.
Maganda
at Maayos.
Malinis at Magaling.
Malinis at Magaling.
Magkakapatid.
Rating:
4/5
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento