CAPTIVE (2012) ay kalahok sa Bernale
Film Festival at sa Ghent International Film Festival. Ang pelikulang naglahad
ng paghihirap ng mga nakidnap sa kamay ng Abu Sayaf.
Matapang at mapangahas ang kwento ng
Captive na tinampukan nina French Actress Isabelle Hupert, Raymund Bagatsing,
Ronnie Lazaro, Coco martin, Mercedes Cabral, Mon Confiado, Ma. Isabel Lopez,
Sid Lucero at marami pang iba sa panulat at direksyon ni Brillante Ma. Mendoza.
Talagang mababasa mo sa dulo ng pelikula ang mga katagang “…kidnap for ransom
has been a lucrative business in the Philippines…”
Kung hindi ka ‘pinoy hindi mo
mararamdaman ang “realistic side” ng pelikula. Marahil maraming katanungan ang
babagabag sa ‘yo dahil sa palipat-lipat ng baryo ang mga Abu Sayaf magtatanong
ka “ano ang reaksyon ng mga taga-baryo?” o di kaya’y “bakit may ganitong
kidnapping na nagyayari sa Pilipinas?”
at “talaga bang kasal ang sagot ng rape victim sa nanggasaha sa kanya?”
Puno ng tension ang pelikula – magaling
ang paglalahad at ang mga ipinapakitang eksena. Ang gubat, ang mga mababangis
na hayop, ang kultura at tradisyon at maging ang paraan ng paggamot ng sugat.
ang eksenang nakita ni Therese' (Isabelle Hupert) ang mahiwagang Ibong Adarna nasumisimbolo ng katatagan at pag-asa. |
Rating: 3 1/2 /5
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento