Ang kwento ng 2 FUNERALS ay patungkol sa pagkakapalit ng 2 bangkay, ang paglalakbay ng patay at ang pagunita ng Semana Santa. Isa itong black comedy na sumasalamin sa positibong pananaw ng mga Pilipino na kahit bugbug na sa problema ay nakukuha pa nitong ngumiti at magpasaya.
Ang paglalakbay ng bangkay upang maitama
ang pagkakamali ng punenarya sa maling pagpapadala ng mga labi ay nagmula sa hilaga
(north) hanggang sa timog (south) at dito makikita ang samo’t saring isyu sa
Pilipinas at tradisyon ng mga Pilipino.
Naigawad sa pelikulang ito ang Best
Director (Gil Portes), Best Cinematography, Best Screenplay at Special Jury
Prize noong 2010 Cinemalaya Independent Film Festival kung saan "Donor" ang
tinanghal na Best Picture at sina Baron Geisler at Meryl Soriano ang nagwaging
Best Actor & Actress sa nasabing pelikula.
Habang pinapanood ko ang 2 Funerals ay
sumagi sa isip ko ang pelikula
ni Soxie Topacio’, "Ded na si Lolo" (2009) at ang "Mourning Girls" (2005) ni Gil Portes – sumakit ang tyan ko sa katatawa sa
nasabing mga pelikula at talaga namang ibang atake ang napapaloob sa bawat
eksena. Maganda at maayos ang pagkakahabi ng kwento at inilahad ng tama at
naayon sa bawat karakter na ginampanan ng mga beteranong artista sa showbiz.
Sa 2 Funerals, gusto kong tumawa pero di
ako makatawa, nais kong umiyak pero di ako makaiyak (magaling ang pagganap dito
ni Tessie Tomas bilang isang inang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang anak
na dalaga) hindi ko alam kung bakit siguro dahil subtle ang pagkayari dito.
Para sa akin, may mga pilit na eksena ang pelikula o di kaya’y nakulangan ako sa
detalye pero sa kabuuan, okey pa sa alright ang 2 Funerals.
Magaling si direk Gil Portes walang duda kung
paano nya inilahad ang kwento ay napaka-epektibo. Akala ko nga si Tessie Tomas
ang Best Actress sa galing nya dito. Tumatak din sa akin ang karakter ni Jeffrey
Quizon habang si Xian Lim ay parang si Carlos
Agassi ang akting.
2 Funerals. Semana Santa. Penitensya.
Hinagpis.
2 Funerals. Paglalakbay. Pagtatapat. Debosyon. Nakagawian. 2
Funerals. Eleksyon. Tradisyon. Propesyon. Lamay. 2 Funerals.
Rating: 3/5
Rating: 3/5
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento