Biyernes, Disyembre 14, 2012

Short Story Review: Benjamin P. Pascual's "Ang Kalupi"


 Ang Kalupi
ni Benjamin P. Pascual

  A.    Mga Tauhan:
                     Andres Reyes – ang sinisi na kumuha ng kalupi.

         Aling Martha – (mga nasa 50, may asawa) ang may-ari ng kalupi.

                    Aling Gudyang – (mga kaedad ni Aling Martha, isa ring ina) ang   
nag-pautang kaibigan dahil nawalan ito ng pera.

                    Mamang Pulis – ang nag-imbestiga sa pagkawala ng kalupi ni Aling 
                                                  Martha.
 
B.   Tagpuan/Panahon
Naganap ang pangyayari sa palengke nang mabanga ni Andres Reyes si Aling Martha at nang-hingi ito ng paumanhin. Pinagpasensyahan s’ya ni Aling Martha at pinag-iingat sa susunod.

C.    Saglit na Kasiglahan:
Ang sagli na kasiglahan ng kwento ay nang magsinungaling si mabangga si Aling Martha at sumunod ay ang pagkawala ng kanyang kalupi.

Dagdag pa dito ang pagtatanong ng pulis kay Andres tungkol sa kaluping nawawala dahil sa galit ni Aling Martha sa bata na kanyang inaakusahang kumuha ng kanyang kalupi.

D.  Suliranin o Tunggalian:
Ang pangunahing suliranin dito ay ang pagkawala ng kalupi ni Aling Martha at pag-aakusa kay Andres na nagnakaw nito na pilit na itinatanggi ang akusasyon sa kanya. Kasama na rito ang pagdala sa bata sa presinto upang imbestigahan ang nangyari.
Sumunod na suliranin ay ang panlalaban ni Andres sa pangungurot ni Aing Martha.

E.     Kasukdulan:
Ang kasukdulan ng kwento ay ang pag-iimbistiga ng pulis kay Andres na naninindigang wala itong ninanakaw kay Aling Martha at ang tangka nitong pagtakas at paglaban dahil sa pananakit sa kanya ng matanda. Dahil dito naaksidente si Andres sa pagtakbo nya patawid sa kalsada.
 
     F.        Kakalasan:
Ang ng malaman ni Aling Martha na ang nawawala n’yang kalupi ay nasa bahay. Dito naliwanagan ang lahat ng ipayo ng pulis sa babae na tawagan sa kanilang bahay at alamin kung naiwanan n’ya ang kalupi at nalaman nga na nakalimutan nyang bitbitin ng umalis ito sa bahay.

G.  Wakas:
Kung ako magbibigay ng wakas sa kwento, gagawin ay bubuhayin ko si Andres Reyes, babayaran ng nakasagasasa kanya ang bayarin sa ospital. Dadalawin s’ya ni Aling Martha at hihingi ng paumanhin sa bata at ng malaman na ulila napala ito ay kukupkupin n’ya si Andres at papag-aralin. Habang ang pulis naman ay mas mag-iingat sa pagpapatupad ng batas lalo na ang panghuhuli ng menor-de-edad ng wala naming hustong batayan.

Mamumuhay ng Masaya si Andres sa pamilya ni Aling Martha. At nabayaran na rin nito ang pagkakautang sa kanyang kumareng si Aling Gudyang.


Ang May-Akda:
     Si Benjamin P. Pascual, kwentista at nobelista, ipinanganak sa Laoag, Ilocos Norte. Sa kasalukuyan, s'ya ang taga-payong legal ng GUMIL sa Metro Manila.
    Siya ang sumulat ng "Lalaki sa Dilim", "Babaeng Misteryosa" at iba pa.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento