Biyernes, Abril 12, 2013

Indie Films at si Aureus Solito at ang kanyang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros


Y2K era – kumabit sa INDIE FILMS ang mga kahulugang “pang-bading na pelikula” (gay-themed); “kalaswaan at kahalayan” (sex/porno) ang mga ganitong klaseng pelikula.

Tama o hindi? Dahil sa panahon ngayon andaming gumagawa ng Indie Films na  hindi mo mawari kung ano ang nais iparating sa mga manonood, halos karamihan dito ay ang tinatawag na pink movies or queer films, aktibo dito si G.A. Villafuerte, Benny Andaya, Bunch Cortez, Ronald Rafer at kung sino-sino pang mga nagsusulputang mga director. Sabi nga ni direk Sigfried Barrios (Huling Biyahe) “…ang salitang director ay madaling naikakabit sa pangalan ng tao dahil makagawa lang ng isang pelikula ay direk na agad ang tawag kahit wala pang napapatunayan…”

PAGBABALIK-TANAW
Si Dolphy – 1st Actor na gumanap na bading (gay) sa “Jack ‘n Jill” (1953) katambal n’ya si Lolita Rodriguez at sinundan ito ng “Markova: The Comfort Gay” (2000).

1980’s – iisa lang ang seryosong gay-themed movie na nagawa ito ang “Macho Dancer” (1988) ni Lino Brocka.

Habang si Cris Pablo naman ang may pinaka maraming gay-themed films na may natatanging tema nagawa kasama na rito ang Masahista (2005), Bathouse (2006), ShowBoyz (2008), Condo (2008), Heavenly Touch (2010) at Sanctuary (2010).

1990’s – nangahas namang gawin ni Gil Portes ang “Miguel/Michelle” (sinulat ni Ricky Lee), Carlitos Siguion-Reyna’s “Ang Lalaki sa Buhay ni Selya” (sinulat ni Bibeth Orteza) at Mel Chionglo’s “Sibak: The Midnight Dancers” (sinulat ni Ricky Lee).

INDIE FILMS NGAYON
3 pelikula ang nagbigay ng panibagong-anyo sa mundo ng INDIE FILMS – hindi man nawala ang gay-themed na nakapaloob dito, itong 3 INDIE MOVIES naman ang nagpaangat ng kalidad ng gawang INDIE; Francis Pasion’s “JAY”, Brillane Ma. Mendoza’s “SERBIS” at Aureus Solito’s “ANG PAGDADALAGA NI MAXIMO OLIVEOS” – itong 3 ay hinangaan, minahal, kinilala at pinarangalan ng samo’t saring organisasyon at mga film festivals.


ANG PAGDADALAGA NI MAXIMO OLIVEROS

Bakit nagging matunog ang pelikulang ito?

- simple lang, dahil ito ang uri ng palabas na  nagbigay ng panibagong pananaw sa gay-themed na pelikula – masasabi mo na “ah pwede palang GP o wholesome ang ganitong klaseng palabas” –  ika nga ng mga taga-showbiz nagging “IN” ang INDIE dahil kay Maxie. Naging maingay ang pangalang Aureus at Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros. Marami ang natuwa, naaliw at nagandahan sa ipinakita at ikwenento nito.

Mga pagkilala sa pelikulang ito:
Cinemalaya (2005)
Special Citation – Nathaniel Lopez (bilang Maximo Oliveros) – Best Actor
Special Jury Prize - Aureus Solito – Best Director

1st ASEAN Festival (Singapore) – Best Picture

Toronto Film Festival (Montreal) – Zenith Golden Award (Best Picture)

GAWAD URIAN (2006) – Best Picture

Las Palmas Film Festival – Best Actor & Best Director

Berlin International Film Festival (2009) - Teddy Award (Best Director)

Mabibilang sa daliri ang mga Indie Movie Hits sa Pilipinas,
“Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros,”
“Ang Babae sa Septic Tank,”
“Patayin sa Shokot si Remington”
 “Thy Womb.”

Samantalang MAINDIE (Mainstream Indie) HIT naman ang sumusunod;
“Amorosa: The Revenge,”
 “Corazon: Ang Unang Aswang,”
 “TikTik: The Aswang Chronicles”
            “The Strangers.”

DIREK  AUREUS SOLITO

Mga Pelikula:
(2005) Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros

(2007) Pisay
(2009) Boy
(2011) Busong
(2012) Baybayin
(2002) Documentary Film “Sacred Ritual of Truth”

Short Films:
(1998) Impong Negro
(1996) Huling El-Bimbo
(1995) Maikling Buhay ni Apoy

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento