Nagmistulang MMFF ang pila sa mga sinehan dahil sa
pelikulang ito at tanging sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo lang ang
nakakagawa ng ganitong eksena sa local showbiz. At dahil bibihira ang nagsulat
tungkol sa pelikulang ito na halos napanood ng nakararami, ihahabol ko ang
aking blog tungkol dito.
It Takaes A Man & A Woman ay ang ikatlong
yugto ng pag-iibigang Miggy at Laida, sa pagkakataong ito ay isang happy-ending
ang ating nasaksihan. Sa wakas sa kasalan din nauwi ang lovestory nila. ‘Ika
nga, sa pagkahaba-haba daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Nagustuhan ko ang pelikula dahil maintained ang
kilig factor mula umpisa hanggang sa matapos. Ramdam mo pag-ibig ng dalawa.
Ibig sabihin epektibo ang rapport ng John Lloyd-Sarah tandem on screen – ang sarap
panoorin. Walang duda, magaling na actor si John Lloyd Cruz, dekalibre habang
si Sarah Geronimo ay medyo nagmature – nag-metamorphosis sa pelikulang ito.
Medyo nakulangan lang ako sa kwento ni Belle
(Isabel Daza) – dapat sana’y bigyan siya ng isang eksena, ‘yong moment n’ya to
shine – kumbaga yong tatatak sa manonood ng sa ganoon ay muli syang aabangan sa
sususnod nyang pelikula. Sayang dahil introducing pa naman s’ya dito.
Magaling si direk Cathy Molina-Garcia, may mga
sorpresa s’yang ipinakita sa pelikula at yon ang hinahanap ng mga fans ng
dalawa. Hindi naman n’ya binigo ang manonood.
Kung na-enjoy mo ang panonood ng It Takes A Man and
A Woman nangangahulugang maganda ang pagkakagawa sa pelikula.
Rom-com na super-saya at super-kilig-much (may much
pa talaga!)
Rating: 3/5
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento