"Ang kwento ng pelikulang sumuri sa pananalig at sa lipunang Pilipino, walang kupas sa puso nating lahat." - Ricky Lee [Sa Puso ng Himala]
Halos lahat yata ng linya ng pelikulang HIMALA ay matalinghaga. Hindi nakapagtatakang ito ang tinanghal na isa sa pinakamagandang pelikula ayon sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino at maging sa boung Asya ng parangalan ito bilang BEST-ASIA PACIFIC FILM.
Matagal bago makapagsalita si Elsa kay Orly:
"Tama ka nga siguro.
Sa mga sinabi mo non' sa 'kin sa interbyu.
Kung wala na tayong lahat,
kung kalansay na lang tayo,
ang matitira na lang ay ang sinsabi mong sining."
Ang restored version ay ipinalabas sa Shang Cineplex noong ika-4 ng Dec. 2012 kasabay ng Himala Ngayon Documentary at ang Book Launching ng Sa Puso ng Himala ni sir Ricky Lee. Ang pagpapasapubliko nito ay mula ika-5 - 11 ng Dec. sa SM Cinemas at Robinson's MovieWorld.
Punong-puno ang CN4 ng Shang Cineplex mula ng HIMALA NGAYON hanggang sa restored version ng HIMALA. Ang naaalala ko pa ay may nakaupo sa hagdanan sa bandang kaliwa at mga nakatayo sa gilid sa ibaba. Naramdaman ko na sabik ang mga Pilipinong mapanood muli ang pelikula - de-kalidad at ibang klase.
Habang pinapanood ko ang HIMALA NGAYON marami akong nalaman, mga rebelasyong nakakatawa, nakakaiyak at mga katotohanang mahirap mapaniwalaan.
HIMALA (The Restored Version) ay masasabi mong buhay na buhay ang pelikula. Maayos ang pagkakagawa, kumikinang ang kulay (sepia style), parang bagong pelikula na katatapos lamang gawin, malakas ang audio nito at klarong-klaro ang bawat bigkas ng diyalogo.
Ano pa ga ba ang masasabi ko? Sa dami na ng sinabi at mababasa tungkol sa pelikulang HIMALA ay t'yak kung alam n'yo na ang nababasa ditosa blog ko.
Nimia kay Orly sa Burol:
"Pag-ginustong makita ni Elsa, makikita n'ya.
Ganyan s'ya mag-isip.
Pag-gusto n'yang gawin, gagawin n'ya.
Walang makakapigil sa kanya.
Ikaw, ba't mo ginagawan ng pelikula si Elsa?
Siguro na niniwala ka sa kanya?"
At ang pinakatanyag na linya ng pelikula (boung linya:)
"Ipinatawag ko ayong lahat dahil may gusto akong ikumpisal." (pause)
"Nitong mga nakaraang araw, sa loob lang ng napakaikling panahon,
parang naranasan natin ang pinaghalong langit at impyerno."
maraming tao ang bumuti at nagkaroon ng pananampalataya.
Pero nakakita rin tayo ng kamatayan, ng epidemya,
ng pagpuputa, ng krimen at panloloko.
Kapag may masamang nagyayari'y sinisisi natin ang sumpa.
Isinumpa ang Cupang.
Itinaboy kasi natin ang maysakit noon. Kaya ganoon.
Kapag may mabuti namang nagyayari,
sinasabi nating ... ito'y gawa ng langit.
May ipagtata[at ako sa inyo.
Walang himala!
Ang himala ay nasa puso ng tao!
Nasa puso nating lahat!
Tayo ang gumagawa ng himala!
Tayo ang gumagawa ng mga sumpa
at ng mga diyos!
Hindi totoong buntis ako dahil sa himala!
Hindi totoong nagpakita sa akin ang Mahal na Birhen!
Walang himala!
Hindi totoong may himala!
Tayo ang gumagawa ng himala!
Tayo ang gunagawa ng sumpa at mga diyos!
Walang himala."
Ikaw naniniwala ka ba sa HIMALA?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento