Nagkagusto ang prinsesa kay Don Juan
nang ito’y lumuhod sa harapan ng dalaga.
Dito naramdaman ng prinsesa ang tunay na pag-ibig ng prinsepe. Subalt nagtitimpi
s’ya at nagbalat-kayo na kunwari ay di nito gusto si Don Juan.
Sinabi ng prinsepe na magpapakamatay
na lamang s’ya kung walang pagtingin sa kanya si Donya Juana. Ang mga hirap na
dinanas nito ay hindi biro, itinaya ang kanyang buhay ngunit sa prinsesa s’ya
pa rin ay nabigo.
Sambit ng prinsepe ay lungkot at
lumbay kaya’t ng masulyapan s’ya ng prinsesa s’ya man din ay nanamlay. Iniaalay
ni Don Juan ang pusong di magtataksil sa kanya.
Sakdal-lupit ang inabot kaya’t
susuungin ang panganib kahit s’ya ay matalo. May takot at pangamba sa dibdib ng
prinsesa pero ito’y kanyang pinawi at hiniling sa kanya na lumapt sa Diyos pang
makamit ang masayang kapalaran sa buhay.
Dumating ang higante, nabalot ng
takot ang prinsesa. S’ya ay tinakot, tinawanan at hinamak. Narinig lahat ni Don
Juan ang sinabi ng higante kaya’t boung tapang n’ya itong hinarap. Tinanggap ng
boung yabang ang hamon ng prinsepe.
Naglaban ang dalawa at sa huli ay
napatay ni Don Juan ang higante. Pagod man ay pinanatag ang kalooban ng
prinsesa.
Niyaya ng prinsepe si Donya Juana sa
kanyang kaharian pero hindi n’ya kayang iwanan ang kapatid na si Leonora.
Si Leonora ay bihag ng isang
serpenteng may pito ang ulo. Sinabi nito ang hiling sa prinsepe at humingi ng
tulong sa Mahal na Birhen kaya’t di kailangang matakot at mangamba.
Dahil dito, gumiting ang prinsepe.
Humingi ng gabay sa Maykapal at ini-asa ang buhay sa Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento