Martes, Oktubre 23, 2012

INDIE FILM: MANGKUKULOB - A New Breed of Horror Film



Nagningning ang gabi lalo na ang pangunahing bida na si Marvelous Alejo sa ginanap na Premiere Night ng MANGKUKULOB sa Robinson’s Gelleria Cinema 3.
Simple at payak ang pagtitipon na dinaluhan ng kanyang mga kaibigan at taga-hanga sa Artista Academy (TV5’s Reality Contest). Masasabi kong may fan-base na ang baguhang artista sa haba ng pila kagabi.
Sa maikling pananalita, ang MANGKUKULOB ay isang psychological-suspense tungkol sa magkapatid na nanirahan sa gitna ng gubat ng mahabang panahon, si Sophia at Daniel – nakaligtas sa isang masaker dulot ng pagtanggi nitong ibenta ang lupang kinatitirikan ng bahay nila sa isang makapangyahrihang pulitiko ng bansa. Sa mundo na kinalakihan ni Sophia ay tinuruan s’ya ng kapatid sa epektibo at mahusay na pamamaraan ng pangkukulob – ng matuto ng ay ginawa n’ya itong sandata upang balikan ang mga taong may kinalaman sa pagmasaker ng kanyang boung pamilya. At ditto nagsimula ang poot, takot at paghihiganti ng isang MANGKUKULOB.

BAKIT KAILANGAN MONG MAPANOOD ANG MANGKUKULOB?
May isang-daan at isang dahilan upang panoorin ang pelikulang ito na para sa akin ay “baptism of fire” para sa bumubuo ng pelikulang ito.
1.] SOLIDONG KWENTO/PLOT –
Bagamat napakarami ng kwento ang naisapelikula, ibang putahe ang ibinigay ng MANGKUKULOB sa manonood. Pinag-isipan at may kakaibang tema ito. Pinagugulan ng panahon ang kwento. Masasabi kong bago ito sa mga mahilig manood ng suspense-thriller, lahat ng tanong sa isip mo habang nasa loob ng sinehan ay tinalakay ng maayos at masusing isinalaysay ang bawat pangyayari. Epektibo ang atake nito sa pagsasadula ng mga eksena.

2.] EPEKTIBONG PAGGANAP SA KARAKTER –
Pagkatapos ng pelikula, 2 karakter ang tatatak sa iyong isipan, si Paulo at si Sophia. Perho mang baguhan sa larangang ng acting, talaga naming mapapahanga ka sa ipinamalas ni Paulo, ang tinutukoy kong eksena ay ng malukob s’ya ni Sophia sa loob ng bahay nila – ito para sa akin ang may pinakamahusay na eksena sa boung pelikula. Habang ang mga linya ni Sophia sa kanyang eksena ay balot ng poot at hiwaga na hindi mo makakalimutan.

3.] SI DEREK RON MISMO –
Sa Sinematograpiya – ang galing akmang-akma sa magagandang anggulo na kinunan sa kada eksena. Sa umpisa pa lang masasabi mong may kalidad ang pagkakagawa. De-kalibre at may sinasabi ang pelikula.

At bago ko makalimutan, maganda ang musikang nilapat sa MANGKUKULOB. Orihinal at balot ng matatalinghagang mensahe.

Ang MANGKUKULOB ay R-18.

Ano pa ang hinihintay mo? Nood na. Magpapaiwan ka pa ba?

Matakot.
Matuwa.
Mamangha.
MANGKUKULOB!





3 komento: