Martes, Disyembre 11, 2012

Boxing Arena: Lucky Punch or Perfect Punch - a Tribute for Manny Pacquiao


Halos lahat tayo ay hindi makapaniwala sa kinalabasan ng huling laban ng ating BoXiNG CHaMP na si Manny "Pac-Man" Pacquaio laban kay Juan Miguel Marquez. Sa ika-apat na pagkakataon, alam natin na pababagsakin ni Manny ang Mexikanong ito pero salungat pala ang nangyari.

Totoo nga ang kasabihang "time is gold", ang isang sugundong "unguarded moment" sa laban ang nagpabago sa kasaysayan ng boxing karir ng ating Pambansang Kamao. Pero hindi dito nagtatapos ang laban ng buhay, marami man sa atin ang nadismaya, nalungkot at naiyak kailangan nating tanggapin na sa kahit anong laban may mananalo at may matatalo. Nagkataon lang na ang pagkatalo ni Manny ay sa panahong nasa rurok na s'ya ng tagumpay at ang estado n'ya sa larangan ng boxing ay nasa tuktok. Kumbaga wala na s'yang dapat patunayan pa dahil mas higit pa sa pinangarap ng isang boksingero ang naabot n'ya. Pero tinanggap pa rin n'ya ang hamon dahil hindi s'ya duwag na aatras sa kaht anong laban lalo na sa BoXiNG.




Perfect Punch daw ang sabi ng mga Mexikano na masarap sapakin dahil sa mga pang-aasar nito sa mga pinoy, aba'y humihili pa ng "ole, ole-ole-ole, ole, ole-ole-ole". Noong huling laban nila, halos ganoon din ang mga reaksyon nito pero galit at nag-aalburuto pa., kesyo dinaya, pinaburan si Manny. Ngayon naman, ang sigla at saya nito ay halos ipamukha sa boung mundo ang pagkapanalo ni Marquez. Huh! ang tagal din nag-anatay ni Juan Miguel Marquez ha, 8 taon at 41 rounds na halos bugbug s'ya. Pero dahil sa nat'yempuhan si "PacMan" natamo nito ang suntok na talagang gustong ipakawala ni Marquez. Ito ang pagkakataong hinihintay ng kahit sinong boksingero. Ito ang bangungot na inabot ni Pacquiao.

Pero sabi naman ng ating mga kababayan "Lucky Punch" lang yon dahil isang segundo nalang at magbu-buzzer na. Bugbug sarado na nga si Marquez at makikita mong tumutulo ang dugo nito sa ilong. Kung hindi s'ya tinamaan ng suntok na 'yon malamang TALO SI MARQUEZ.

Ganito rin ang nangyari kay Gabriel "Flash" Elorde noong 1964, di nga ba't na-knocke-out in s'ya ni Carlos Ortiz? Ito ang pinakamadilim na bahagi ng ating kasaysayan sa BoXiNG. Nakakapanlumo. Sobrang nakakalungkot.

Hindi nga ba't panahon na upang magretiro na si Manny Pacquiao - ang ating Pambansang Kamao. Ang isang kampeon alam kung kelan s'ya titigil sa larangan na kanyang tinatahak, katulad nina Ceferino Garcia, Pancho Villa at Gabriel Elorde - mga Pilipinong boksingero na naging matagumpay at hanggang sa huli ay kinikilala pa rin bilang isang magiting na boksingero.

matindi ang pinagdadaanan ngayon ni Manny,  "crosswroads" s'ya ng kanyang karir, pero sa edad n'yang 33, naku - marami pa s'yang magagawa upang makatulong sa ating bansa. Napakaraming paraan. Nakuha n'ya ang tanyag at tagumpay sa sariling sikap kaya't dapat pagyamanin n'ya ito.

Panahon na upang tumigil. Tapusin na ang karera sa BoXiNG. Sa kapwa ko PILIPINO, panahon na para kolektahin ang mga litrato ng tagumpay ni Manny Pacquiao. Lahat ay may hangganan, marami pang pangalan ang nakalista sa BoXing sa ating bansa. Bigyan natin ng pagkakataon ang iba. Tama na bago mahuli ang lahat.

Mabuhay si Manny Pacquaio. The Greatest Boxer of All Time is a Filipino. Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento