Miyerkules, Disyembre 12, 2012

Book Launching: SA PUSO NG HIMALA

At sa wakas, matapos ang 30 years ay nagkaroon na rin ng aklat ang pelikulang masasabi kong "MY FAVORITE MOVIE OF ALL TIME" at ang maganda pa nito ay nirestore ang pelikulang HIMALA upang maisalba sa pagkasira nito dahil sa tagal ng panahon.

Kasabay ng Book Launching ay ang pagpapalabas ng pelikulang HIMALA (the restored version) at ang HIMALA DOCUMENTARY sa Shang Cineplex noong ika-4 ng Dec.

Nakapaloob sa hardbound copy ang 3 postcards
mula sa pelikulang HIMALA.
Collectible items to.

Sa kanan, pinipirmahan ni sir Ricky Lee
ang aking copy ng Coffee Table Book ng Himala
#135 out of 1000 copies ng Sa Puso Ng Himala Book

Alas 3 ng hapon pa lang ay nandoon na ako, habang inaantay ang kaibigan kong si Raymond A. Santos - na hinakayat ko ring bumili ng aklat dahil nandoon ang may-akda, his Excellency, multi-award winner sir Ricky Lee. At syempre pa darating ang nag-iisang Superstar, Nora Aunor para sa pelikulang ipapalabas.

Aisus. Andami ng tao ng oras na yon. Haba ng pila ng bumibili. Dati ko pang kinontak si Mr. Nestor De Guzman para magpareserve dahil prefered ko ang copy no. 915 (bday ko kc yan) kaso naawa ako sa staff na nandon at medyo busy na kaya kahit anong copy nalang.

Masayang-masaya ako ng araw na yon,                                                                                                                
at lalo pa akong natuwa ng magkaroon ako ng pagkakataong makapagpapicture                              kay sir Ricky Lee.

Matagumpay ang Book Launching na ito na nangyari mula sa Megamal hanggang sa Shangrila Plaza Mall at maituturing na isang obra ang sinulat ni sir Ricky Lee na habang tumatagal ay mas bumibigat ang halaga nito sa ating literatura at sa mundo ng pelikula.


1 komento:

  1. idol na idol ko si ricky lee.. taga daet camarines norte sia at currently dito ako nagsstay.. sana one day makita ko si idol ricky lee.. halos lahat ng aklat nya binili ko kc super gaganda ng mga book nya :) :(

    TumugonBurahin