Linggo, Enero 6, 2013

Concert Arena: Palong-Palo ang SILVER...Rewind


Hindi magkaumayaw ang tilian at hiyawan bago pa man magumpisa ang concert ng Asia’s Song Bird  sa MoA Arena Concert Hall noong Jan. 5.
Lalo pang naging maingay ng lumabas na si Ms. Regine Velasquez-Alcasid, walang humpay na palakpakan at sigawan, at biglang tumahimik ang lahat. Pinakikinggan at pinakiramdaman kung bumalik na ang boses ni Song Bird. At ng  bumirit na ito sa dulo ng kantang “SHINE” ay madagundong na palakpakan uli at sigawan mula sa mga manonood.
Halos lahat ay nainat ang litid sa leeg at ang mga vocal chords ay nabugahan ng hangin – ito ang eksena mula sa umpisa hanggang sa matapos ang SILVER … Rewind.
At heto ang kompleto walang mintis na listahan ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga kinanta ng Asia’s Song Bird – Ms. Regine Velasquez-Alcasid na halos hindi s'ya umalis ng stage sa sobrang galak ng gabing iyon.
Overture (Manila Symphony Orchestra under the baton of Mr. Ryan Cayabyab)”Narito Ako”, “Pangarap Ko Ang Ibigin Ka”, “Kailangan Ko’y Ikaw”, “I Don’t Wanna Miss A Thing”, “On The Wings of Love”, at “Pangako”.
1.  Shine & Where Have You Been
2. Shake Your Groove Thing & Hot Stuff with
KC Montero
3. Narito Ako
[papuri kay Lord …”I feel very blessed to be here once again to perform with you…” sabi n’ya]

4. Dadalhin (acoustic version & with music video)
[dito kasamang kumanta ng sabay-sabay ang audience]

5.  “The Suicide Medley”
{2 kntang hindi naisama sa album arranged by Gerard Salongga composed by Archie Castillo & Mon Faustino}

6. Sirena with GLOC  9

7. You Made Me Stronger

8.  Movie Themesongs Medley:
     Pangarap Ko Ang Ibigan Ka with
Rachelle Ann Go
     Pangako with La Diva
     Ikaw (solo)
     Kailangan Ko’y Ikaw with Jaya

9.  1st Guests (Rachelle Ann Go, La Diva & Jaya)
     And I Am Telling You (na halos bumagsak ang kisame sa sigawan at palakpakan dahil sowdown ng vocal prowess ang mga ito.  8X - madagundong na palakpakan at hiyawan ang binigay ng audience)

10.  In Your Eyes (with music video)

11.  I Don’t Wanna Miss A Thing

12. On The Wings Of Love
     (na literal s’yang inangat ng mahabang tela habang bumibirit –    pasabog na tilian at sigawan ang ginawa ng audience)

13. Mr. C’s Medley (dito hindi ko napigilang tumulo ang luha ko)
     Kahit Ika’y Panaginip Lang
     Araw-Gabi
     Tuwing Umuulan At Kapiling Ka/Kayo

14. Hanggang Ngayon with Ogie Alcasid
     Magkasuyo Bung Gabi with Janno Gibbs

15. 2nd Guests (Ogie Alcasid & Janno Gibbs)
    OJ Portion (tawanan ang hatid ng dalawa sa lahat)

16. Party Rock Song with PLDT Music Video intro to Call Me

17. Major Sponsors Acknowledgement; PLDT, Bello Medical Group,
     Bench & SMART Communications.
     Designers Acknowledgement; Pepsi Herrera, Rajo Laurel, Parri
     Santiago & Cocoy Lizano.

18. Love Me Again (idinedicate n’ya sa lahat ng nanood ng concert)

19. Expressing her LOVE t her family, God Gave Me You (Baby Nate Music Video) & Leader Of The Band (Mang Gerry)
    {sobrang emotional ang bahaging ito at ramdam ang sincerity ng Song Bird na sobra nyang mahal ang pamilya nya.}

20. You Are My Song (intro) 
You’ll Never Walk Alone
      (STANDING OVATION)


21. Finale: What Kind Of Foll Am I
     (isa pang STANDING OVATION)

Natapos ang gabi na may daa-dalang ngiti sa mukha at kakaibang saya sa bawat puso ng nanood ng SILVER… Rewind.

Muling pinatunayan ni Ms. Regine Velasquez-Alcasid kung paano gawin ang isang concert ng isang magaling na singer.

SILVER…Rewind: The 25th Silver Anniversary Concert of Ms. Regine Velasquez-Alcasid ay nagbigay ng panibagong pamantayan sa concert scene.

Simula pa lang ng 2013, ito na ang pasabog na sumalubong sa kanyang mga fans at hindi fans. Kaya’t aabang ng aabang ang lahat ng performances n gating nag-iisang ASIA’s SONGBIRD – Ms. Regine Velasquez-Alcasid.



___________
spotted celebrities were Vicky Belo & Krystal Henares, Eugene Domingo, Vice Ganda, Anton Diva, Iza Calzado, Rhian Ramos, Alden Richards, Dolly Ann Carbajal, Bayani Agbayani, Mikee Cojuangco ... (many more).



















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento