Y2K
era – kumabit sa INDIE FILMS ang mga kahulugang “pang-bading na pelikula”
(gay-themed); “kalaswaan at kahalayan” (sex/porno) ang mga ganitong klaseng
pelikula.
Tama
o hindi? Dahil sa panahon ngayon andaming gumagawa ng Indie Films na hindi mo mawari kung ano ang nais iparating sa
mga manonood, halos karamihan dito ay ang tinatawag na pink movies or queer
films, aktibo dito si G.A. Villafuerte, Benny Andaya, Bunch Cortez, Ronald Rafer at kung sino-sino pang mga
nagsusulputang mga director. Sabi nga ni direk Sigfried Barrios (Huling Biyahe)
“…ang salitang director ay madaling
naikakabit sa pangalan ng tao dahil makagawa lang ng isang pelikula ay direk na
agad ang tawag kahit wala pang napapatunayan…”
PAGBABALIK-TANAW
Si Dolphy – 1st
Actor na gumanap na bading (gay) sa “Jack ‘n Jill” (1953) katambal n’ya si
Lolita Rodriguez at sinundan ito ng “Markova: The Comfort Gay” (2000).
1980’s – iisa lang ang
seryosong gay-themed movie na nagawa ito ang “Macho Dancer” (1988) ni Lino
Brocka.
Habang si Cris Pablo naman
ang may pinaka maraming gay-themed films na may natatanging tema nagawa kasama
na rito ang Masahista (2005), Bathouse (2006), ShowBoyz (2008), Condo (2008),
Heavenly Touch (2010) at Sanctuary (2010).
1990’s – nangahas namang
gawin ni Gil Portes ang “Miguel/Michelle” (sinulat ni Ricky Lee), Carlitos
Siguion-Reyna’s “Ang Lalaki sa Buhay ni Selya” (sinulat ni Bibeth Orteza) at
Mel Chionglo’s “Sibak: The Midnight Dancers” (sinulat ni Ricky Lee).
INDIE
FILMS NGAYON
3
pelikula ang nagbigay ng panibagong-anyo sa mundo ng INDIE FILMS – hindi man
nawala ang gay-themed na nakapaloob dito, itong 3 INDIE MOVIES naman ang
nagpaangat ng kalidad ng gawang INDIE; Francis Pasion’s “JAY”, Brillane Ma.
Mendoza’s “SERBIS” at Aureus Solito’s “ANG PAGDADALAGA NI MAXIMO OLIVEOS” –
itong 3 ay hinangaan, minahal, kinilala at pinarangalan ng samo’t saring
organisasyon at mga film festivals.
ANG
PAGDADALAGA NI MAXIMO OLIVEROS
Bakit
nagging matunog ang pelikulang ito?
- simple lang, dahil ito ang uri ng palabas na
nagbigay ng panibagong pananaw sa gay-themed na pelikula – masasabi mo
na “ah pwede palang GP o wholesome ang
ganitong klaseng palabas” – ika nga
ng mga taga-showbiz nagging “IN” ang INDIE dahil kay Maxie. Naging maingay ang
pangalang Aureus at Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros. Marami ang natuwa,
naaliw at nagandahan sa ipinakita at ikwenento nito.
Mga pagkilala sa pelikulang ito:
Cinemalaya
(2005)
Special Citation – Nathaniel
Lopez (bilang Maximo Oliveros) – Best Actor
Special Jury Prize - Aureus Solito – Best Director
1st
ASEAN Festival (Singapore) – Best Picture
Toronto
Film Festival (Montreal) – Zenith Golden Award (Best Picture)
GAWAD
URIAN (2006) – Best Picture
Las
Palmas Film Festival – Best Actor & Best Director
Berlin
International Film Festival (2009) - Teddy Award (Best Director)
Mabibilang
sa daliri ang mga Indie Movie Hits sa Pilipinas,
“Ang
Pagdadalaga ni Maximo Oliveros,”
“Ang
Babae sa Septic Tank,”
“Patayin
sa Shokot si Remington”
“Thy Womb.”
Samantalang
MAINDIE (Mainstream Indie) HIT naman ang sumusunod;
“Amorosa:
The Revenge,”
“Corazon: Ang Unang Aswang,”
“TikTik: The Aswang Chronicles”
“The
Strangers.”
DIREK
AUREUS SOLITO
Mga
Pelikula:
(2005) Ang
Pagdadalaga ni Maximo Oliveros
(2007) Pisay
(2009) Boy
(2011) Busong
(2012) Baybayin
(2002)
Documentary Film “Sacred Ritual of Truth”
Short
Films:
(1998) Impong Negro
(1996) Huling El-Bimbo
(1995) Maikling Buhay ni Apoy