Biyernes, Mayo 3, 2013

pangbatang matanda ang ONE PIECE FILM Z at matandang pambata


Ito na marahil ang counterpart ng Pixar Animation ang Manga Animation mula sa Japan. Walang duda na pinaghandaan ng mga tao sa likod ng animae’ na ito ang pagsasapelikula ng tanyag na hit sa telebisyon.

ONE  PIECE FILM  Z ay sinulat ni Osamu Suzuki (Jungle Emperor Leo) at sa direksyon ni Tatsuya Nagamine (One Piece: The Desert Princess and the Pirates Adventures in Alabasta).

Ang pelikula ay umiikot sa kwento ni Z (Zephyr), dating Naval Admiral na dahil sa pait na dinanas sa buhay ay napuno ng puot, galit  at paghihiganti kaya bumuo ng grupong Neo Marines na syang sisira sa 3-End Points upang maghari sa mundo. Nagkrus ang landas ni Z at grupo ni Luffy, ng makita nilang walang malay na nakalutang sa dagat ang malupit na pinuno. At dito nagsimula ang kanilang bakbakan.
Una, magara ang presentasyon ng mga imahe, buhay na buhay ang kulay at detalyado ang bawat eksena. Dahil 2D ito, malinis at klarong-klaro ang resolution na makikita kaya maganda ang cinematography nito.

Kahit di ka pamilyar sa One Piece ay madaling maintindihan ito habang pinapanood mo tulad ng “NARUTO: ROAD TO NINJA” na kamakailan lang ipinalabas.


Kompletos rekados ang ONE PIECE FILM Z, lahat ng karakter ay nandoon mula kay Luffy, Zoro, Nami, Usopp, Sanji, Chopper, Robin, Frank, Brook at iba pa ay nagpakita ng kani-kanilang kakayahan sa pakikipaglaban.

Mahalaga sigurong sabihin na medyo lumihis ng konti ang kwento pagdating sa dulo, hindi consistent si Luffy sa kanyang layunin laban kay Z pero hindi mo na gaanong mapapansin ito dahil sa puno ng umaatikabong bakbakan ang pelikulang ito. At sa lahat ng karakter tanging si Usopp lamang ang hindi nagtransform kaya medyo nakulangan ako sa aking napanood.


Sa kabuuan, masaya kang lalabas sa sinehan. Walang pagsisisi na ito’y pinanood mo. ONE  PIECE FILM Z ay pangbatang matanda at matandang pambata.


Rating: 3/5

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento