Mainit ang mga eksena
parang eksena sa eleksyon, nakakaalarmang debate at nakabibinging kampanya –
ang Broken City ay isang crime thriller tungkol kay Mayor Hostetler (Russell
Crowe) na kumuha ng private investigator (Mark Wahlberg bilang Billy Taggart)
upang alamin kung totoong may karelasyon ang kanyang asawa (Catherine
Zeta-Jones) sa campaign manager (Kyle
Chandler) ng kanyang kalaban sa pagka-mayor sa kanilang syudad.
Napapanahon ang
pelikula sa Pilipinas dahil nalalapit na ang eleksyon, may binaril at namatay,
may pananakot at panunuhol, may blackmail, at marami pang iba – kaya nga BROKEN
CITY – isang powerhouse cast na sinulat ni Brian Tucker at sa direksyon ni
Allen Hughes (The Book of Eli [2010]).
Medyo manipis ang
kwento ng pelikula at parang minadali ang bawat eksena. Malabong mangyari ang
mensaheng nais iparating ng BROKEN CITY kaya hindi ito kapani-paniwala. Sa ganang akin, kinulang sa detalye ang pagsasadula ng kwento. Nadala
lang ang pelikula sa mga naglalakihang artista dito, na talaga namang wala kang
masasabi sa karakter na ginampanan.
Hindi mo kailangang
gumastos upang mapanood ito pero kung may pagkakataong maipalabas sa tv, walang
masama kung pag-uukulan mo ng oras. Maari mo ka ring bumili ng kopya sa cd/dvd. Sa ganda ni Catherine, sa galing ni Russell
at Mark solb na solb na ang panonood mo.
Rating: 2/5
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento