Miyerkules, Mayo 1, 2013

Dark Skies – Pananakot Sa Makabagong Panahon


Napakabilis ng takbo pag-asenso, progresibo ang pamumuhay ng tao sa kapaligiran subalit sinong mag-aakalang may mga pangyayaring hindi pa rin maipaliwanag ng siyensya, may mga bagay-bagay na nararanasan ng iilang tao sa mundo – ito ang DARK SKIES – mangingilabot ka sa kwento nito.

Hindi man orihinal ang kwento pero ang pananaw na ito ay nangyayari sa makabagong panahon ay nakakapangilabot. Ang pelikula ay nagpapakita kung paano madaling mabuwag ang isang pamilya.

May mga sipi ang pelikulang kuha mula sa ibang palabas. May mga eksenang parang na napanood muna. Ito ay dahil ang mga tao sa likod ng Dark Skies ay gumawa ng “Paranormal Activity” (2007),  “Insidious” (2011), at “Sinister” (2012).

Isang supernatural thriller tungkol pamilyang Barret, si Daniel [Josh Hamilton] ang amang na nadepressed sa pagkakatanggal at paghahanap ng kapalit na trabaho, si Lacey, [Keri Russell]  inang mapag-aruga at naniniwala sa kakayahan ng asawa at ang kanilang dawalang anak, Jesse, [Dakota Goyo] na nagbibinata at Sam, [Kadan Rockett] ang bunso – lahat sila nakakaranas ng kakaibang mga pangyayari sa loob at labas ng kanilang bahay. At habang tumatagal ito ay patindi ng patindi ang mga nangyayari hanggang sa makamit ang layunin ng may pakay.

Sa panulat at direksyon ni Scott Stewart [“Priest” (2011) at “Legion”  (2009)] ang Dark Skies ay PG13 ay may humigit kumulang 1 oras at 40 minuto ang haba.

Rating:  2/5

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento