There were numerous movies shown last April that could have been shown and were worth to watch and these includes THE HOST and GI JOE RETALIATION. Even the animated ONE PIECE FILM Z is noteworthy to mention. However, I have MY TOP 3 ACTION-ADVENTURE MOVIES FOR APRIL;
1. Antoine Fuqua's
OLYMPUS HAD FALLEN
2. Shane Black's
IRON MAN 3
3. Joseph Korinski's
OBLIVION
Biyernes, Mayo 10, 2013
Sabado, Mayo 4, 2013
Biyernes, Mayo 3, 2013
pangbatang matanda ang ONE PIECE FILM Z at matandang pambata
Ito na marahil ang
counterpart ng Pixar Animation ang Manga Animation mula sa Japan. Walang duda
na pinaghandaan ng mga tao sa likod ng animae’ na ito ang pagsasapelikula ng
tanyag na hit sa telebisyon.
ONE PIECE FILM
Z ay sinulat ni Osamu Suzuki (Jungle Emperor Leo) at sa direksyon ni
Tatsuya Nagamine (One Piece: The Desert Princess and the Pirates Adventures in
Alabasta).
Ang pelikula ay
umiikot sa kwento ni Z (Zephyr), dating Naval Admiral na dahil sa pait na dinanas
sa buhay ay napuno ng puot, galit at
paghihiganti kaya bumuo ng grupong Neo Marines na syang sisira sa 3-End Points
upang maghari sa mundo. Nagkrus ang landas ni Z at grupo ni Luffy, ng makita nilang
walang malay na nakalutang sa dagat ang malupit na pinuno. At dito nagsimula
ang kanilang bakbakan.
Una, magara ang
presentasyon ng mga imahe, buhay na buhay ang kulay at detalyado ang bawat
eksena. Dahil 2D ito, malinis at klarong-klaro ang resolution na makikita kaya
maganda ang cinematography nito.
Kahit di ka pamilyar
sa One Piece ay madaling maintindihan ito habang pinapanood mo tulad ng “NARUTO: ROAD TO NINJA” na kamakailan lang ipinalabas.
Kompletos rekados ang
ONE PIECE FILM Z, lahat ng karakter ay nandoon mula kay Luffy, Zoro, Nami,
Usopp, Sanji, Chopper, Robin, Frank, Brook at iba pa ay nagpakita ng
kani-kanilang kakayahan sa pakikipaglaban.
Mahalaga sigurong sabihin
na medyo lumihis ng konti ang kwento pagdating sa dulo, hindi consistent si Luffy
sa kanyang layunin laban kay Z pero hindi mo na gaanong mapapansin ito dahil sa
puno ng umaatikabong bakbakan ang pelikulang ito. At sa lahat ng karakter
tanging si Usopp lamang ang hindi nagtransform kaya medyo nakulangan ako sa
aking napanood.
Sa kabuuan, masaya
kang lalabas sa sinehan. Walang pagsisisi na ito’y pinanood mo. ONE PIECE FILM Z ay pangbatang matanda at
matandang pambata.
Rating: 3/5
mapulitika ang BROKEN CITY kaya napapanahon sa eleksyon
Mainit ang mga eksena
parang eksena sa eleksyon, nakakaalarmang debate at nakabibinging kampanya –
ang Broken City ay isang crime thriller tungkol kay Mayor Hostetler (Russell
Crowe) na kumuha ng private investigator (Mark Wahlberg bilang Billy Taggart)
upang alamin kung totoong may karelasyon ang kanyang asawa (Catherine
Zeta-Jones) sa campaign manager (Kyle
Chandler) ng kanyang kalaban sa pagka-mayor sa kanilang syudad.
Napapanahon ang
pelikula sa Pilipinas dahil nalalapit na ang eleksyon, may binaril at namatay,
may pananakot at panunuhol, may blackmail, at marami pang iba – kaya nga BROKEN
CITY – isang powerhouse cast na sinulat ni Brian Tucker at sa direksyon ni
Allen Hughes (The Book of Eli [2010]).
Medyo manipis ang
kwento ng pelikula at parang minadali ang bawat eksena. Malabong mangyari ang
mensaheng nais iparating ng BROKEN CITY kaya hindi ito kapani-paniwala. Sa ganang akin, kinulang sa detalye ang pagsasadula ng kwento. Nadala
lang ang pelikula sa mga naglalakihang artista dito, na talaga namang wala kang
masasabi sa karakter na ginampanan.
Hindi mo kailangang
gumastos upang mapanood ito pero kung may pagkakataong maipalabas sa tv, walang
masama kung pag-uukulan mo ng oras. Maari mo ka ring bumili ng kopya sa cd/dvd. Sa ganda ni Catherine, sa galing ni Russell
at Mark solb na solb na ang panonood mo.
Rating: 2/5
Huwebes, Mayo 2, 2013
higit sa lahat, tao rin si IRON MAN
Sa ikatlong yugto ng
IRON MAN ay ipinakita nito ang pagiging tao niya bilang si Tony Stark [Robert
Downey Jr.] – marunong magmahal, nasasaktan at higit sa lahat may pinagdadaanan, ang kanyang anxiety
disorder. Kung matatandaan n'yo ganito rin ang tema ng Spiderman 3 at Batman Begins (3rd installment) kahit nga ang Superman Returns - kaya patok na patok sa manonood.
Back to basics ‘ika
nga ang istilo ng IRON MAN 3, dito inilahad kung paano mag-isip at makipaglaban
ng mano-mano si Tony upang matalo ang “extrimis” na pinamumuan ni Mandarin [Ben
Kingsley] na sumusunod sautos ni Aldrich Killian [Guy Pierce].
Isang pelikulang
pampamilya, matanda’t bata ay maaaliw sa galing ng bida kasama si Iron Patriot
[Don Cheadle] sa pakikipagtunggali sa walang kamatayang kalaban.
Maraming eksena ang
nakamamangha dahil sa makabagong teknolohiyang ginamit sa pelikula at ang
karakter ni Tony ay kwelang patok sa mga batang manonood.
Hindi ito ang huling
Iron Man kahit na ipinaubaya ng dating direktor na si Jon Favreau (Iron Man 1
& 2) kay Shane Black (Kiss Kiss bang Bang) ang pelikulang ito.
Sinasabing “loosely
inspired” ang kwento ng IRON MAN 3 kaya medyo kulang ang laman nito. Magpagayon
pa man, nakakamangha pa rin ang mga adventures ni IRON MAN kaya nga GP ang
MTRCB Rating nito na may habang 2 oras at 15 minuto.
Sabihin man nating may konting sablay, sa huli ay siksik pa rin sa entertainment value ang IRON MAN 3 at kaabang-abang ang susunod na yugto nito.
Sabihin man nating may konting sablay, sa huli ay siksik pa rin sa entertainment value ang IRON MAN 3 at kaabang-abang ang susunod na yugto nito.
Rating: 3/5
IRON MAN 3 @ iMaX MoA had a 24-hours screening schedule. |
Miyerkules, Mayo 1, 2013
Dark Skies – Pananakot Sa Makabagong Panahon
Napakabilis ng takbo pag-asenso,
progresibo ang pamumuhay ng tao sa kapaligiran subalit sinong mag-aakalang may
mga pangyayaring hindi pa rin maipaliwanag ng siyensya, may mga bagay-bagay na
nararanasan ng iilang tao sa mundo – ito ang DARK SKIES – mangingilabot ka sa
kwento nito.
Hindi man orihinal ang
kwento pero ang pananaw na ito ay nangyayari sa makabagong panahon ay nakakapangilabot.
Ang pelikula ay nagpapakita kung paano madaling mabuwag ang isang pamilya.
May mga sipi ang
pelikulang kuha mula sa ibang palabas. May mga eksenang parang na napanood
muna. Ito ay dahil ang mga tao sa likod ng Dark Skies ay gumawa ng “Paranormal Activity”
(2007), “Insidious” (2011), at “Sinister”
(2012).
Isang supernatural
thriller tungkol pamilyang Barret, si Daniel [Josh Hamilton] ang amang na
nadepressed sa pagkakatanggal at paghahanap ng kapalit na trabaho, si Lacey,
[Keri Russell] inang mapag-aruga at
naniniwala sa kakayahan ng asawa at ang kanilang dawalang anak, Jesse, [Dakota
Goyo] na nagbibinata at Sam, [Kadan Rockett] ang bunso – lahat sila nakakaranas
ng kakaibang mga pangyayari sa loob at labas ng kanilang bahay. At habang tumatagal
ito ay patindi ng patindi ang mga nangyayari hanggang sa makamit ang layunin ng
may pakay.
Sa panulat at direksyon
ni Scott Stewart [“Priest” (2011) at “Legion”
(2009)] ang Dark Skies ay PG13 ay may humigit kumulang 1 oras at 40
minuto ang haba.
Rating: 2/5
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)