Miyerkules, Marso 20, 2013

SF SYNOPSIS: "Sa Ngalan Ng Ama At Anak"


Si Jun ay may simpleng pangarap sa buhay - ang maging isang manunulat at magkaroon ng isang masayang pamilya - mga kapatid na makakabiruan, ina na mag-aaruga, at ama na magtatanggol.

Subalit , hindi lahat ng tao sa mundo ay pinagkalooban na magkaroon nito. Tulad ni Jun, siya ay anak sa labas na mas minahal pa ng ibang tao kaysa ng kaniyang sariling laman at dugo.

Hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang pangarap?
Hanggang kailan niya matitiis ang lupit ng tadhana?
May magandang bukas pa ba na naghihintay sa kaniya?
O mauuwi na lang ito sa wala?
Pinagbibidahan nina Apollo Sangalang at Arjay Angeles , at ipinakikilala ang pagbabalik ng indie film actress  na si Ms. Ana Rivas . Kasama rin sina Eisen Lim , Meriam Lopez, Zai Manghi and Richard De Chavez.

Poster concept ni Vince Vincent. 

Sa panulat at direksyon ni Christopher Novabos.

1 komento: